The Mentors’ Journal

The Official Publication of the Students of Bulacan State University- College of Education::: Uphold Campus Press freedom. Support College Publication. Campus Paper. Campus Publication. College Press. Free Press. Mark Anthony Lazaro

Sarswelang “Walang Sugat” itinanghal





BILANG HANDOG SA IKA-431 TAONG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG lalawigan ng Bulakan, nagpalabas ng isang pagtatanghal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulakan ng sarswelang pinamagatang “Walang Sugat” na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium noong ika-15 ng Agosto.



Ang nasabing pagtatanghal na akda ni Severino Reyes ay pinamunuan ni Joselito R. Mendoza, gobernador ng Bulakan, sa tulong ng Panlalawigang Tanggapan ng Kabataan, Isports, Hanapbuhay, Sining at Kultura, Barasoain Kalinangan Foundation, Inc. (BKFI) at Bulacan State University (BulSU) Theater Guild. Ito ay tinanghal sa saliw ng musika ni Fulgencio Tolentino sa direksyon ni Armando Sta. Ana at ng Sarswela Festival Orchestra.



Ang sarswela ay patungkol sa pang-aapi ng mga prayleng Espanyol sa mga bilanggong Pilipino na pinagbintangang pilibustero. Ito rin ay umikot sa istorya ng pag-iibigan nina Tenyong na ginanapan ni Rey Clement Maaliao ng BulSU Theater Guild at Julia na ginanapan naman ni Karren Uaje ng BKFI. Higit sa lahat, ang sarswela ay pinalooban din ng pagpapakita ng pagmamahal sa Pilipinas at patuloy na pakikibaka ng mga Pilipino laban sa pagmamalabis ng mga prayle. (Edmundo V. Julao Jr.)



Possibly Related Posts:


  • Share/Save/Bookmark

Post Metadata

Date
October 9th, 2009

Author
admin

Category

Tags

Leave a Reply