Proseso ng NFEX, tinutulan ni Alvarado
![]() Ilang mga mamayan na pabor sa NFEX SAMA-SAMANG NAG-RALLY ANG ilang mamamayan ng Balagtas upang tutulan ang pagpigil sa pondo ng National Food Exhange (NFEX) ni Wilhelmino Alvarado, bise-gobernador ng Bulakan, noong ika-13 ng Agosto sa harap ng Pamahalaang Lalawigan ng Bulakan. Ang NFEX na proyekto ng dating gobernador Josie Dela Cruz ay isang lugar sa Balagtas kung saan mas mapapabilis ang daloy ng transportasyon ng pagkain mula sa iba’t ibang lugar sa Bulakan. Ito rin ay nagsisilbing imbakan ng pagkain na magbibigay rin ng mga bagong trabaho sa maraming Bulakenyo. “Kaya kami nagra-rally dito para tuligsain ang bise-gobernador sa pagpigil niya sa pondo para sa NFEX. Nandito kami upang sabihin na kailangan niyang suportahan ang NFEX para sa ikauunlad ng bayan ng Balagtas na siya ring magdudulot ng maraming trabaho para sa mga tao,” pahayag ng isang raliyista. Samantala, ayon kay Alvarado, hindi tama ang proseso sa proyekto dahil pinagpatuloy pa rin ito kahit na ang kontrata ay pinirmahan dalawang taon na ang nakalilipas at ito ay paso na. Dagdag pa niya, patuloy lamang ang suporta ni Dela Cruz dito dahil 48.8% ang parte niya sa nasabing proyekto, 30% lamang ang sa kapitolyo at ang natitira pang porsyento ay pinaghatian ng kumpanya ng mga kaibigan ng dating gobernador. “Hindi ako tutol sa proyekto kundi sa maling proseso nito,” ani Alvarado ukol sa NFEX. (Chico Miraflor at King Constantine Damaso) Possibly Related Posts:
|
