Hulagpos: Aldo Bersikulo 17 Kapitolo 1-12
ama namin sumasalangit ka maswerte ka’t nasa itaas ka sambahin ang ngalan mo ng mga wala nang pag-asang gaya ko mapasaamin ang kaharian mo kahit bagsak nami’y sa impyerno sundin ang kalooban mo o diyos ko, ano pa ba’ng gusto mo? dito sa lupa na kulang sa pagpapala para ng sa langit sabi mo roo’y walang pangit bigyan mo po kami ng makakain sa araw araw dahil ang gobyerno namin lahat na’y ninakaw patawarin mo po kami sa aming mga sala para mapatawad ka rin namin sa iyong mga sala patawarin mo po kami lahat ito’y aming sinadya huwag mo po kaming ipahintulot sa tukso dahil lahat kami’y nilikha mong marupok at iadya mo po kami sa lahat ng masama dito sa mundong puno ng masama na ikaw rin naman ang may gawa amen (Tano) Possibly Related Posts: |
