Bukambibig:Wikang Pilipino, mahusay ka ba? may gamit pa ba?
MULI NA NAMANG NAKIBAHAGI ANG BULACAN STATE UNIVERSITY (BULSU) SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA NA may temang “Wikang Filipino: Mula Baler hanggang buong Pilipinas” noong Agosto 10-14. Kasabay ng isang linggong selebrasyon ay ang paggunita sa kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino at ang ika-100 taon ng pagkakatatag ng bayan ng Baler sa Quezon kung saan nagmula si Manuel Quezon, ang ama ng wikang pambansa. Ngunit sa kabila ng ilang taon ng pag-alaala sa buwan ng wika, naiiwan pa rin ang tanong kung nagagamit pa ba ang wikang Filipino sa isang epektibong paraan, lalung-lalo na ng mga estudyante, tulad ng sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon. 1. Mahusay ka bang gumamit ng wikang Filipino? Paano mo ito nasabi? “Oo, dahil kahit English major ako at required gamitin ang English, nagagamit ko pa rin ang Filipino in a sense na naipahahatid ko thru this language ‘yung tunay na nararamdaman ko sa isang pangyayari o sitwasyon. Mahusay ako dahil naipababatid ko ang tunay na damdamin o emosyon sa salitang aking binibigkas. Masasabi ko gamit ang Filipino kung ano ang nasa puso ko. Madali para sakin na i-express ang sarili sa English pero mas madali kung gamit ko ang wika natin. Mas naiintindihan ako ng mga tao. Halimbawa na lang ‘yung mga batang hindi nakapag-aaral. Pag- kinausap mo sila ng English ‘yun, hindi nila maiintindihan ‘yung gusto mong iparating unlike sa Filipino e masasabi mo ito ng may puso.” Allan Paul Mendoza, BSEd 2H “Hindi, dahil merong words na hindi ko kayang sabihin sa Filipino at ‘yung mga malalalim na salitang hindi ko maintindihan.” Jenine Nolasco, BSEd 3G “Oo, kasi, ‘pag Filipino yung medium of instruction mas madali kong mai-express ‘yung gusto kong i-impart sa mga nasasakupan ko.” Aljon Bicuin, BSEd 3B “Sa tingin ko hindi ako gaanong kagaling o kahusay na speaker ng wikang Filipino sapagkat hindi ako gaanong bihasa sa pagsasalita ng Filipino.” Mariza Viray, BSEd 1I “Oo. Sa tingin ko mabuti akong speaker ng wikang Filipino kasi iginagalang ko at nirerespeto ang paggamit nito.” Jennifer Gamay, BSEd 1I “Hindi, dahil hindi ko maiwasan na gamitin ang English kapag nagsasalita at karaniwan talaga na nahahaluan ng English ang pagsasalita ko ng Filipino kaya hindi ako mabuting speaker pagdating sa wikang Filipino.” Arman T. Valencia, BEEd 3C 2. May espesyal pa bang gamit sa iyo ang wikang Filipino maliban sa pang araw-araw na komunikasyon? Ano ito? “Oo, dahil ang wikang Filipino ang sumasalamin sa atin bilang isang Filipino. Hindi lang sa komunikasyon maaaring gamitin ang wikang Filipino. Maraming paraan at bagay ang mapaggagamitan nito.” Maria Belinda Cortezano, BSEd 4B “Wala. English majoring student kasi ako kaya hindi ko na masyadong magamit yung wikang Filipino maliban sa komunikasyon.” Jordan Suarez, BSEd 4K “Ginagamit ko ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon mapa-oral man o hindi. Siguro nagiging espesyal ito kapag ginagamit sa mahahalagang okasyon o pakikipagtalastasan gaya ng speeches na nagsusulong sa mabuting layunin.” Kristine Buendia, BSEd 3G “Wala na itong iba pang gamit. Pero maaaring may gamit itong espesyal sa ibang tao tulad ng mga dalubwika at makata tulad ng pagsulat ng tula para sa ikakaunlad ng panitikang Filipino.” Aljon Galang, BSEd 3G “Oo meron, sa paggawa o pagsulat ng mga akda tulad ng kwento, tula, nobela, at iba pa kung saan madaling mamumulat ang mga tao sa iba’t ibang mga bagay.” Reychelle M. Dela Cruz, BSEd 4I “Oo, I love poetry, mas madali kong nagagawa ang creative writing ko [sa Filipino] kahit na English majoring student ako.” Jhayne dela Rama, BSEd 4H “Wala, kasi sa paggamit pa lang natin nito sa pang-araw-araw na komunikasyon ay masasabi kong espesyal na ito.” Jolette Lente, BSEd 1J “Wala, dahil sa mga salitang Ingles. May mga araw kasi na hindi mo na kailangang pag-isipan ang sasabihin mo sa pakikipagkomunikasyon kaya hindi mo na iintindihin kung Tagalog man o Ingles ang nasasabi o nagagamit mo.” Marjorie R. Pinoy, BSEd 4G “Oo, maliban sa pang-araw-araw na komunikasyon, ang paggamit ng wikang Filipino para sa akin ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamalaki at pagpapahalaga sa ating pagka-Filipino lalo na sa ngayon na ang ating bansa ay nagiging ‘westernized’. Dapat pa nating pag-igihin ang paggamit ng ating sariling wika.” Ana Margarita A. Picardal, BEEd 3C “Wala na, dahil sa panahon ngayon, naimpluwensyahan na ng ibang lenggwahe ang wikang Filipino. Hindi na ito tulad ng dati na puro at malalim.” Rachael Barrena, BSEd 4K “Naniniwala ako na mas masarap sumulat gamit ang sariling wika, gamay ko na kasi. ‘Yung Filipino mas may puso kaya ‘yun ang gamit ko sa pagsulat ng tula saka maikling kwento. Nakalulungkot lang kasi ngayon ‘yung mga bagong manunulat nagpapaka-pseudo-intellectual, English ang gamit, wala namang sinasabi.” Janeicka Baculpo BSED “Wala, dahil hindi na natin ginagamit ang wikang Filipino sa pang-araw-araw na komunikasyon. Kaya watak-watak tayong mga Pilipino dahil sa kakulangan sa pagmamahal sa sarili nating wika at pag-unawa sa isa’t isa.” Rommel Javier, BSEd 3K Possibly Related Posts:
|

Hello, I’m searching google and found your blog nice post. Mabuhay Sikat ang Pinoy!