inaalay sa lahat ng fans ni doraemon
noon, akala ko lahat ng itanim tutubo at darami. kaya kumuha ako ng kendi at mabilis na nagbungkal… at naghintay… nang naghintay. pero wala. “hindi mo kasi diniligan,” ang sabi ni inay, “ng pawis, dugo’t luha. o binudburan kaya, ng pataba ng pagmamahal.” kaya kumuha ako ng piso, at muling nagbungkal. piniga ang mata, ang pulso, pati ang taba. niyakap ko ang lupa, para malaman n’ya na mahal na mahal ko s’ya. naupo ako, at nagisip. bukas luluhod ang mga alkansya (baww_12) Possibly Related Posts: |
