Bukambibig: Jack em Poy- English Only Policy, pabor ka ba?
Sa pangunguna ng bagong pamunuan ng Local Student Council (LSC) ng College of Education (COEd), muling binigyang buhay ang programang English-Only Policy na dating Speak English Campaign. Sa darating na Setyembre, ipagbabawal na sa mga estudyante ng COEd ang pagsasalita ng ibang lengwahe maliban sa Ingles sa loob ng Roxas Hall. Ang nasabing proyekto ay naglalayon din na mapanatili ang katahimikan sa loob ng Roxas Hall kasabay ang paghasa ng kakayahan ng mga estudyante sa pagsasalita ng Ingles. Inalam namin ang opinyon ng ilan sa mga estudyante ng COEd ukol sa nasabing isyu. Narito ang kanilang mga pahayag: “Yes. It’s for our own good and for our future. For example, when we apply for a job and we are interviewed, it’s better to speak in English.” John Paul Bryan S. Mendoza, BTTE I-A “Hindi. Bakit kailangan nilang ipagbawal ang pagsasalita ng Filipino, eh sarili nating wika ‘yon?” Princess M. Tenorio, BEED I-C “Oo. Syempre lahat tayo sanay mag-Tagalog. Kailangan din natin magsanay magsalita ng English.” Julius Mark Pagdanganan, BTTE I-A “Hindi. Dahil medyo nahihirapan akong magsalita ng English.” Leslie D. Lucas, BSED I-E “Oo. Para magkaroon ng katahimikan at disiplina sa loob ng building. Kapag kasi Tagalog, akala mo laging nasa sabungan ang mga estudyante.” Ma. Eleonor Ronquillo, BEED I-C “Hindi. Kasi po ayaw naming magsalita ng English. At isa pa, Filipino tayo. Mas nakasanayan na natin yung sariling diyalekto natin.” Jocelyn Domondon, BSED I-E “Oo. Dahil dito mo mahahasa ang iyong sarili sa pagsasalita ng English. Oo, sa una, hindi tayo ganoon karunong, pero sa pamamagitan nito, yung mali natin ay ating maitatama at matututo rin tayo to speak straight English. Garry B. Lozada, BSED I-D “Oo. Dahil bilang mga future teachers, kailangan ay mahasa na rin tayo sa ating ikalawang lenggwahe na Ingles at parte na rin ito ng pagsasanay natin sa ating pagtuturo sa hinaharap. Donita Rose M. Alberto, BSED II-A “Hindi. Nakakailang naman magsalita ng English kung mag-uusap kayo especially kung mga chismis lang ang pag-uusapan ninyo.” Shiela Mago, BSED I-G “Oo. Para magpursige ang mga estudyante na mapalawak pa lalo ang kanilang kaalaman.” Frances Grace Santiago, BEED II-B “Hindi. Kasi tulad ko, Filipino major ako. Hindi lahat ng estudyante ay sanay magsalita ng English, kaya kung ipatutupad ito, baka madami ang ‘di magkaintindihan.” Marvic Felix Y. Cruz II, BSED I-I “Hindi. Mahirap mag-English! Mas maganda kung tatangkilikin natin ang sarili nating wika.” Ma. Alicia S. Reyes, BEED II-A “Hindi. Dahil simula pa lang Filipino na yung language na natutunan ko.” Jona, BSED II-F “Hindi. Dahil karapatan ng bawat estudyante na maging malaya sa pagsasalita gamit ang lenggwaheng nais nila upang maipahayag nila ang kanilang sarili.” Nica A. Chuidian, BSED III-J “Hindi. Kasi para sakin, mahihirapan mag-adjust ang ibang estudyante.” Rose Ann M. Dogillo, BSED III-J “Oo. Para mahasa ang mga estudyante sa pagsasalita ng English, pero ‘di naman natin dapat kalimutan ang ating sariling wika.” Ryza S. Pinlac, BEED III-B “Hindi. Dahil ako ay Pilipino, kaya’t nararapat paigtingin ang pananagalog.” Melody B. Enriquez, BSED IV-C “Yes. This may help the student enhance/develop their speaking skills. It doesn’t mean that we will forget our native language.” Jeremy A. Cruz, BEED IV-A “Yes. This will encourage students to practice the English language, and become confident about themselves.” Maricel A. Calderon, BSED IV-J Possibly Related Posts:
|

Why? Wala na ba iba maisip?