The Mentors’ Journal

The Official Publication of the Students of Bulacan State University- College of Education::: Uphold Campus Press freedom. Support College Publication. Campus Paper. Campus Publication. College Press. Free Press. Mark Anthony Lazaro

Hulagpos: sulat-kamay para kina patatas at mar



ito ang ako na hindi kilala

ang ako na hinahanap ko sa salamin

ang ako na hindi rin kilala

ng mga kasama kong nagigising

sa kung saan-saang kama

ang ako na nababayaran ngunit hindi nabibili

ito ang ako na dumadamit sa akin ngayon

ang ako na naglalagay ng kolorete sa mukha

ng pintura sa kuko

ng mantika sa buhok at labi

ang ako na pinipilit kong itago noon

sa takot na baka ako itakwil

ng mga taong nagsabing “mahal kita”



ito ang ako na nagmumulto

mula sa nakaraan.

ang ako na hawak noon sa aking isipan

ang imahe ni Rico Blanco

habang masagana kong sinasalsal

ang aking katawan.

ang ako na naglalaba ng mga

kubrekamang may mantsa.

ang ako na natatakot mabuking nila ate.

ito ang ako na gusto kong ibuyangyang.

ang ako na sana’y nakikita

ng mga nakapikit na mata ng lipunan.

ang ako na hindi na dapat pang damitan

ng walang kabuluhang teorya.

ang ako na hubad sa kalibugan.

sanay sa hagupit ng katotohanan.



ito ang ako na nagbabadyang sumabog

ang ako na gusto nang magtapat

kay itay nang sa gayo’y

hindi ko na kailangang palakihin ang aking boses

hindi ko na rin pipigilin ang natural na pilantik

ng mga daliri

sa gayon maipapakita ko

na sa aking mga ate ang koleksyon

ko ng Mariah Carey albums



hindi na kailangang lokohin ang sarili



ito ang ako na unti unting sinisindihan ang mitsa.



isa, dalawa… (Tano)



Possibly Related Posts:


  • Share/Save/Bookmark

Post Metadata

Date
July 7th, 2009

Author
admin

Category

Tags

1 to “Hulagpos: sulat-kamay para kina patatas at mar”


  1. Bullet says:

    Husay naman Tano!Ü



Leave a Reply