The Mentors’ Journal

The Official Publication of the Students of Bulacan State University- College of Education::: Uphold Campus Press freedom. Support College Publication. Campus Paper. Campus Publication. College Press. Free Press. Mark Anthony Lazaro

Bukambibig: Ano’ng Paghahanda ang Ginawa mo bago pumasok sa Kolehiyo

“Pasukan na naman!”    karaniwang sigaw ng mga estudyante sa simula ng Hunyo. Mayroong mga excited dahil first time nila sa college, silang mga kailan lang ay kasama ang kanilang barkada nung high school. Sila yung mga bago, bunso, nagtatanong, nakayuko sa paglalakad pero handang  harapin ang buhay kolehiyo para makatapos at masuklian ang kalabaw na ibinenta ni Nanay at Tatay.



Narito ang ilan sa kanilang mga pahayag ukol sa paghahandang ginawa nila bago pumasok sa kolehiyo:



“Nag-research at nagbasa-basa ako about sa iba’t ibang universities or college school, nag-recall ako ng mga lessons ko in high school, nag-ready ng mga magagamit ko sa college at nag-ipon ako para sa mga expenses na darating ngayong pasukan.”



Rejenn S. Nuqui



“Syempre nagbasa ako ng mga magazines, newspapers, at nanood ng TV, yung mga may sense (puro English) na palabas. At saka hinanda ko ang aking sarili sa mga bagong makakasalamuha, at yung mga notes ko nung high school eh tinabi ko.



Rosemarie Chua

BSED (English) I-H



“Bago ako pumasok ng kolehiyo, nag-isip muna ako ng talagang  kurso na gusto ko, para maging masaya ako sa ginagawa ko dahil kung napilitan lang ako sa kurso ko tiyak na mahihirapan ako.”



Hershe J. Geronimo



“Tinandaan ko ang pangalan ng bawat gusali, pagtatanong sa mga ka-estudyante, paglilibot sa campus, paghahanda ng pera para sa mga pangangailangan sa school at paghahanap ng mga kasama para may makasama.



Ma. Cristina Luz S.J. Frias

BEED I-C



“Inihanda ko lang ang sarili para sa mga adjustments na mangyayari sakin as a college student.”



Ria Angelica E. Gatchalian

BSED (English) I-H



“Una, siyempre nagpunta ako sa BulSU sa Admission Office para magpa-reserve sa examination. Then, nag-review ako para sa exam. Tapos nakapasa naman. I hope na madami akong mapulot na aral dito.”



Marinel V. Maiso

BTTE I-A



“Nag-pray ako kay Lord na ihanda ang sarili ko sa mundo ng kolehiyo.”



Maribeth Amarota

BSED (MATH) I-C



“Bilang isang estudyante na unang papasok sa BulSU, inihanda ko ang aking sarili kung ano ba talaga ang gusto kong kurso upang sa ganoon ay hindi na ako mag-shift pa sa ibang kurso.”



Maria Claudine Y. Pantoja

BSED (English) I-H



“Nilibot ko muna ang buong BulSU, especially yung building namin. Nagtanong din kung nasaan ang mga classrooms. Naghanap din ako ng makakasama para hindi ako mag-isa.”



Anahmeer Cruz

BEED I-C



“Kinundisyon ko ang aking sarili dahil alam kong mas mahirap na ang buhay college, kaya yun, kahit isang linggong walang pasok nun ready pa rin ako.”



Lovely dela Cruz



“Ang totoo ay nag-ipon lang ako ng pera, magastos daw talaga mag-college sabi ng Kuya ko.”



Anonymous

Possibly Related Posts:


  • Share/Save/Bookmark

Post Metadata

Date
July 7th, 2009

Author
admin

Category

Tags

2 to “Bukambibig: Ano’ng Paghahanda ang Ginawa mo bago pumasok sa Kolehiyo”


  1. lolly says:

    Naghanap ng part-time job para may pambaon araw- araw sa school.

  2. insaneherrin says:

    ‘aHmm?
    sakIN?
    siGuro alisin ung mga bad habbits nung high school
    lalo na ung line na “batas toh eh, paki alam mo”
    hindi n pwede un sa college ksi tlagang suspended qng suspended
    hindi n pwde ung makikiusap ung nanay,,=)

    tapos?
    try to discipline your selF!
    kcii tlagang ang college life is the most temeptatiOus life (meRon b nOhN.?)
    ‘maraming pwedng mangyari ..
    marami pwedeng mawala,,

    lalo n qng mabilis kang matempt..
    kaya adVice..
    iwasan ung mga bgay n masama lalo n qng alam mong mhina ka..

    ‘lastly, kay Lord lang iconsult lahat ng decisions..
    cause he knows the best!

    ‘tc
    ‘God Bless=)



Leave a Reply