
Muli na namang ginunita ang Araw ng Kalayaan. Ika-111 taon na itong pag-alaala sa mga kadakilaang ginawa ng ating mga bayani na nagbunga ng pagwagayway ng watawat ni Emilio Aguinaldo. Sa ilang taong nakalipas at sa kasalukuyan, dalawang namumulang numero na nga lang ba ang natitirang alaala ng araw na iyon para sa mga kabataan?
Ito ang ilan sa mga pahayag ng mga estudyante ng CoEd ukol sa personal na epekto sa kanila ng ika-111 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan:
“Malaki ang epekto para sa mamamayang Pilipino na ipagdiwang natin ang ika-111 taon ng kalayaan ng bansa. Sa pamamagitan ng pagdiriwang, nagiging isa sa diwa ang mga mamamayan sa kabila ng mga unos at kahirapan na ating dinaranas. Sa panahon ding ito, dapat nating ipagdakila at ikarangal ang mga taong nagbigay ng karangalan sa bansa. Proud to be Pinoy!”
Fernan O. Dealca
SED III-G
“Naalala yung ipinaglaban ng ating mga bayani at yung hindi naitala sa kasaysayan. Nagising din yung pagiging makabayan.”
Leonisa G. Laredo
BSED IV-D
“Walang naging effect eh, hindi ko naramdaman ‘yung spirit ng Independence Day.”
Khristine Surio
BSED II-G
“Yung esensya ng Independence Day hindi dapat nawawala. Hindi naman kasalanan nung mga bayani dati na maging ganito ang sitwasyon ngayon, ‘yung tipong hindi na sila napapansin dahil sa katiwalian ng gobyerno o global warming. Importante sa akin ang Independence Day kahit para sa karamihan, normal na araw lang ‘yun, kulay pula lang sa kalendaryo.”
Maria Resa Helena Goyal
BSED II-I
“Honestly, hindi ko nga napansin ‘yung Independence Day. Isang factor din yung kawalan ng pasok that week, so walang declared holiday sa mga college. Tapos, hindi na rin pinapahalagan ng karamihan, kung ‘di lahat, yung araw na yun.”
Maria Jovy Ann C. Reyes
BSED III-G
“Wala, kasi hindi naman lahat ng tao interesado run eh. Maganda yung epekto nun pero hindi naman binibigyan ng halaga ng iba ‘yun eh.”
Diana Rose Ong
BEED I-C
“Bilang isang tao, maaaring wala, ngunit bilang isang mamamayan ay mas lalo kong naramdaman na sa makabagong panahon ay halos wala ng pagpapahalaga ang mga Pilipino rito sapagkat nauungusan na ito ng samu’t saring isyu sangkot ang lahi ni Juan. Bukod pa rito, sa kasaysayan lamang nasipat ang katagang kalayaan. Ngunit ano ba talaga at nasaan na ang tunay na kalayaan?”
Airoh Sarcajuga
BSED III-G
“Na-refresh sa isip ko yung pinagdaanan ng bansa natin during the times na nasakop tayo ng ibang country, but at the same time, parang wala pa ring kalayaan ang bansa natin kasi naka-depende pa rin tayo sa ibang country.”
Lian May Mateo
BSED II-G
“Parang ordinaryong araw lang, hindi na nila pinahahalagahan ang mga ginawa ng ating mga bayani. Tama rin bang sa mga nakakaraang taon nililipat ang Araw ng Kalayaan?”
Rose Anne D.C. Argao
BEED I-C
“Sa pag gunita ng ika-111 anibersaryo ng kalayaan, naalala ko ang mga pakikibaka ng ating mga bayani, ang mga Pilipinong nagbuwis ng buhay upang makamit natin ngayon ang kasarinlan.”
Janeika Baculpo
BSED 3-F
“Para sa akin, ang ika-111 anibersaryo ng kalayaan ang nagpaalala sa atin kung paano tayo nakalaya mula sa pagka-kakulong sa dayuhan.”
Michael Jordan de Jesus
“Para sa akin isa sa naging epekto ng pagdiriwang ng ika-111 anibersaryo ng pagkakakamit natin ng kalayaan ay ‘yung muling pag-alaala o paggunita sa kabayanihan ng ating mga bayaning Pilipino upang makamit natin ang ating kalayaan. Ginising din nito ang natutulog kong damdamin bilang isang makabayan na mamayan ng Pilipinas.
Mhericon Jean Lorenzo
Possibly Related Posts:
|