The Mentors’ Journal

The Official Publication of the Students of Bulacan State University- College of Education::: Uphold Campus Press freedom. Support College Publication. Campus Paper. Campus Publication. College Press. Free Press. Mark Anthony Lazaro

Siya at ang Kan’yang ‘di Kilalang Bulkan sa Albay

 







Tatlong maiksing oras lamang ng aking buhay



ang nakabahagi sa kanyang pagmamahal



sa hindi kilala n’yang bulkan sa Albay.



Wala sa aking akala ang payak na lupang tatsulok



na ipinagmamainam niya. Ngunit hindi ako nagtaka.



Pinagbukasan ng nag-aalburutong dugong bumubuo sa



kan’yang pagkatao na pinananalaytay naman niya sa mga



letrang humihiwa at nagbabalik ng dugo na pula na



kalauna’y ididilig sa lupang pinanggalingan din niya.



Hindi na rin ako nagtanong kung bakit higit pa sa



maningning ang dinanas ng kanyang mata nang



dumampi ang mga ito sa pigurang pinatanda ng 



dantaon at binubuhay ng pag-ibig



Nagluwal siya ng luha ng hindi dalamhati at hindi



rin kuntento. Inilubog man sa distansya ng bato at



disyerto ang panahon, naghimagsik naman ito’t bumawi



sa tatlong oras na hindi maaalis aking kasaysayan.



(Gelo)

Possibly Related Posts:


  • Share/Save/Bookmark

Post Metadata

Date
April 23rd, 2009

Author
admin

Tags

Leave a Reply