The Mentors’ Journal

The Official Publication of the Students of Bulacan State University- College of Education::: Uphold Campus Press freedom. Support College Publication. Campus Paper. Campus Publication. College Press. Free Press. Mark Anthony Lazaro

Sipat

 



Madawag ang pag-asang



sinilip ka



ng mga matang balot



hindi ng mga bituin



sa gabing maaliwalas



 



o  ng buwang



nagbabadya ng



romantikong



magdamag.



Sinipat



ka ng palihim. Lihim



 



na tinatantya ang



distansya sa pagitan



nating



singlapit ng ‘sang



dangkal,



 



singlayo ng sampung



milyang alinlangan.



Katumbas ng sulyap ang



nakababatong



ekspresyon 



na walang



ekspresyon. Sinipat ka



 



ng palihim habang balot ng hiwaga



ang  aliwalas sa ‘yong mga mata,



habang hindi pa



kumukupas ang ningning



ng gabi;



habang abala ka



 sa sarili mong  lihim



 at kagyat  na sipat



(Kumbar Lee)

Possibly Related Posts:


  • Share/Save/Bookmark

Post Metadata

Date
April 22nd, 2009

Author
admin

Category

Tags

Leave a Reply