Silakbo ng Pluma
(Isang kampanya sa pagpapanatili ng The Mentors’ Journal, opisyal na pang-estudyanteng pahayagan sa Kolehiyo ng Edukasyon)Mahigit isang dekada na ring umiiral ang THE MENTORS’ JOURNAL. Labintatlong taon na itong pumapaimbulong sa serbisyo ng pagmumulat at paglilinang ng kaisipan ng mga estudyante. Naging behikulo ito ng mga kritikal at progresibong kaisipang nagtataguyod sa kapakanan ng kolehiyo at ng bumubuo nito. Naging simbulo na rin ito ng Kolehiyo ng Edukasyon pagdating sa kahusayan ng mga mag-aaral sa larangan ng pamamahayag. Ngunit hindi rito nagtatapos ang lahat. Sa maraming taong pag-iral nito ay dumaan na rin ang publikasyon sa samu’t saring suliranin na sumubok sa katatagan nito. Ngayon ay kinakaharap nito ang pinakamalaki sa lahat ng pagsubok. Ngayon, ikaw naman ang kailangan nito. Matapos ang implementasyon ng President’s Memorandum sa lahat ng organisasyon sa BulSU na nagpahinto sa paniningil ng involuntary membership fee, tuluyang naparalisa ang operasyon ng publikasyon. Alam nating ang buhay ng publikasyon ay nasa mga manunulat nito. Gayunpaman, esensyal ang salapi upang maipatupad ang mga proyekto at adhikain nito. Ngayon, ikaw naman ang hinihingan nito ng suporta. Upang mapanatiling buhay ang ATING publikasyon, hinihingi namin ang inyong suporta sa muling pagbabalik ng kada semestreng Publication Fee na nagsilbing dugo at buhay sa pagsusulong ng mga mithiin ng pangkampus na pahayagan. Sa loob ng maraming taon, ang salaping inyong ibinibigay ang siyang nananatiling susi, hindi lamang sa pagpapanatili ng buhay ng publikasyon kundi ito rin ang dahilan upang mapatunayan ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon ang kanilang angking talento sa larangan ng pagsusulat at pamamahayag. Sa diwang ito, tanging ang inyong suporta bilang mga estudyante ang siyang NATITIRANG sagot sa pananatili ng ATING PUBLIKASYON. Huwag nating hayaan na sa loob ng isang iglap ay MAWALA ang dekadang kasaysayan ng mulat na pagsusulat gayundin ang institusyong tumugaygay at nagsilbi sa ating mahal na kolehiyo. Sapagkat ngayon, IKAW na lamang ang natitira nitong TAGAPAGLIGTAS. (Ruby Rose Cruz) Possibly Related Posts:
|

(Isang kampanya sa pagpapanatili ng The Mentors’ Journal, opisyal na pang-estudyanteng pahayagan sa Kolehiyo ng Edukasyon)
ang galing galing naman ng mentors! haha! congrats!
magaling nga, pero wala naman pera.
pero magaling pa rin kasi kahit walang pera, nakakapaglabas pa rin ng dyaryo…
at may website pa.
sana tulungan ng admin para tuloy- tuloy ung publication.
@ranger
Di naman kailangan na tulungan ng Admin e. Sana pumayag na sila uli na mangolekta ang pondo ang Mentors mula sa mga estudyante. Sa estudyante naman nagmumula lahat e.
At ang website na ito ay mula sa tulong-tulong na efforts at pondo ng mga nakaraan at kasalukuyang term ng Ed Staff.
Ung ibang colleges may collection para sa dyaryo nila, tapos educ lang wala.
Kakainggit naman sila.
Buti na lang nakaisip kayo gumawa ng website.
Pero db may gastos din ito?
Mahal ba magpagawa ng website?
Hindi naman ganun kamahal magpagawa ng website, lalo na at maraming templates naman na available para sa tulad ng website na ito na dumepende lang sa mga free blogging softwares katulad ng Wordpress.
‘Pag malaki na ung site, ang magiging mahal lang ay ‘ung webhosting na kailangan bayaran buwan- buwan.
Mairaraos naman ‘yun… Basta hindi tayo magsasara ng ganun- ganun na lang.
@Kimi
DI naman dapat kainggitan ang ibang colleges. Mainam na gumagana ang kani-kanilang publikasyon at yun ang lalong nagbibigay ng lakas ng loob sa Mentors na may mga kapwa sila manunulat pang-kampus na buhay pa rin sa ilalim ng mga kondisyon ngayon sa BSU.
Isa rin yong dahilan kung bakit nabuhay ang website na ito.Ü
Di naman ganun kamahal ang website, lalo na kung kayo-kayo ang magme-maintain. Mabuti na lang beri gud ang webmaster dito.Ü
ang masasabi ko lang e galingan pa ng mentors para makita ng lahat ang quality na ipinaglalaban nila para sa COEd.Congrats! (^___^)