Si Tata Ruben at ang Kaniyang Angsts sa CARP
![]() “Sa umaga, kape lang ang laman ng tiyan ko. Pagkatapos makainom, sabak na agad sa bukid. Maghapon na ‘yon. Tanim, tanim, pahinga. Tapos tanim uli. Swerte na kung may pananghalian. Madalas kasi kamote o mais lang, sasabayan lang ng tubig na malamig o kape. Sa hapon, mayroon namang tinapay. ‘Yun lang at nakakaraos na kami.” “Kinabukasan, ganoon uli. Walang pinagbago, iyong kakanin lang. Minsan, kanin at sardinas. Minsan gulay, swerte kapag ganoon. Minsan kasi, wala ni anuman. Wala talaga. Nagtitiis na lang hanggang makauwi at dun na kami kakain. Nadadala naman kase ng payosi-yosi e. Ayos na ‘yon.” “Kapag anihan, mga limang sakong palay ang napupunta sa’min. E magkano lang naman ang palay? 100 per sako ngayon. Nakikisaka lang naman kami. Wala kaming lupa.” Langit, Lupa, Impyerno(?) Base sa mga pag-aaral na nadaluhan ko, sinasabing 75% daw ng mga Pilipino ang magsasaka. Parang ‘di naman kapani-paniwala. Sa panahon ngayon, wala nang gustong magsaka. Nakabilad ka ba naman kasi sa init maghapon. Tapos, magkano lang naman ang kinikita nila ‘di ba? No wonder lahat ng mga kabataan, maski anak ng magsasaka, umiiwas na sa trabahong ganun. Mas masarap kayang mag-nurse kesa magsaka. May kumukuha pa ba ng Agriculture ngayon? Walang ganoong course sa BulSU e. Karaniwan nilang tinatanim ay palay, minsa’y tubo, ‘yung matamis at nginingima-ngima ko nung bata, ‘di kaya nama’y mais. Ilang dekada na raw alipin ng mga panginoong maylupa ang mga magsasaka. Naisip ko tuloy, ano ba ‘yung panginoong maylupa? Landlord daw ‘yun sa English. E, ang alam ko, mga may-ari ng apartment ‘yun ‘di ba? Kapag babae, landlady. Pero ‘yun daw ang tawag dun. Hindi ko nga rin alam kung paanong naaalipin ng mga landlord ‘yung mga magsasaka. Ang sabi lang sa’min, ipagsigawan daw naming ibasura ‘yung CARP. Sumama raw kami sa rali para matigil na ‘yung pang-aalipin sa mga magsasaka at ipagkaloob na ‘yung mga lupang dapat ay sa kanila. Sumama naman ako. Nakakatuwa kasing mag-rali, dami mong makikilala. Tapos iba pala ang feeling ng “nandun” ka, ibang-iba sa napapanood ko sa tv, astig! Tapos sisigaw kayo ng kung anu-ano. Hanggang sa nakilala ko si Tata Ruben sa isang pagdalaw sa kanayunan para kilalanin ‘yung mga tao ‘run. Siya ‘yung nagkwento sa’kin ng lahat tungkol sa lupang pinakaaasam-asam ng mga magbubukid. Siya ang nagmulat sa’kin sa lahat ng bagay na dapat kong malaman. Ayon kay Tata Ruben, maraming magsasaka ang walang sariling lupa. Karamihan sa kanila ay nagiging trabahador ng mga haciendero, ‘yun ‘yung mga nagmamay-ari ng ekta-ektaryang lupain. Sila ‘yung mga panginoong maylupa. Nabanggit nya pa na sa isang buong araw na pagtatrabaho, 50 pesos lang ang sweldo ng mga magsasaka.. Naisip ko, sapat ba ‘yun para makabuhay ng isang pamilya? E pang-kain ko lang ‘yun ng sizzling sa Kapitolyo. Magtanim ay ‘di biro 20 taon na ang nakararaan, binuo ng gobyerno ang CARP, o Comprehensive Agrarian Reform Program. Ngunit sabi ni Tata Ruben, mas pinalala lang raw nito ang paghihirap ng mga magsasaka at ang tunggalian sa lupa. Tinanong ko siya kung paano. Mahabang kwento, inabot siya ng isang araw para mailahad lang sa’kin lahat. Ewan ko kung tama ‘yung pagkakaintindi ko. Binigyang-laya daw ng CARP ang ilang mga panukalang pumapabor sa mga haciendero, katulad ng Stock Distribution Option. Dito, 30 araw magtatrabaho sa lupa ang magsasaka. Tapos nun, magkakaroon ng share o bahagi ang magsasaka sa kita ng hacienda. Kumbaga, magiging kasosyo sya sa aanihin. Galing no? Parang tumaas ang lebel ng magsasaka. Kaya lang, may naisip na paraan ‘yung mga panginoong maylupa. Hindi pinagtatrabaho ang magsasaka ng higit sa 30 araw. Kapag ganoon, hindi magkakaroon ng bahagi ang magsasaka sa kabuuang kita ng taniman. Isa pang dahilan na sinabi sa akin ni Tata Ruben ang isang kundisyon upang magkaroon ng sariling lupa- ang pagbabayad ng amortization nito. Buwan-buwan ‘yun kailangang hulugan ng magsasaka hanggang sa makabayad siya. Kapag hindi niya ito nabayaran ng sunod-sunod na buwan, babawiin ng gobyerno ang lupa. Wala din naman daw nangyari sa mga binuong kooperatiba, sistemang pang-irigasyon, at pinagawang farm-to-market roads. Nasayang lang. Hindi naman daw kasi nito nasuportahan ang mga nagsasariling magsasaka. Lalo pa silang nabaon sa utang. Kaya maraming magbubukid ang natakot magsarili at magkaroon ng sariling lupa. Mainam na raw iyong may kinikita kahit kaunti kesa mabaon sa utang. Marami rin sa kanila ang nagbenta na lang ng mga titulo. At saan nila binenta? Sa mga haciendero. CARP vs. GARB Sa mga kadahilanang iyon, ipinaglalaban ngayon nina Tata Ruben kasama ng mga unyong pang-magsasaka ang isang makatotohanang reporma sa lupa sa pamamagitan ng GARB o Genuine Agrarian Reform Bill. Sa nabasa ko, ang layunin at prinsipyo ng GARB ay basagin ang monopolyo sa lupa at kontrol sa lupa ng mga Panginoong May Lupa (PML) at dayuhan, libreng pamamahagi sa lupa at pawiin ang lahat ng pagsasamantala sa kanayunan, at pataasin ang produktibidad at kita ng magsasaka. Sakop ng GARB ang lahat ng lupang agrikultural, anuman ang namamayaning relasyon nito sa produksyon, lupang ginagamit ng mga korporasyong katulad ng DOLE at Del Monte Philippines, at iba pang dapat sa magsasaka. Saka na lang Sa mga nalaman ko kay Tata Ruben, nagpasya akong ipagpatuloy ang pag-aaral sa tunay na senaryo sa bansa, kasama ng iba pang estudyanteng nagnanais mamulat sa kalagayan ng Pilipinas. Maraming problema ang nalantad sa aking isipan, at marami pang dapat malaman. Sa ngayon, nagpasya akong ipagpatuloy ang pakikibaka sa paghingi ng tunay na reporma sa lupa kasama nina Tata Ruben. Possibly Related Posts:
|

Thank you! I would now go on this blog every day!
Have a nice day
Rufor
Bakit walang by line ito?
lTuFjJ salnnfpedtcd, [url=http://zcouatsmrpie.com/]zcouatsmrpie[/url], [link=http://jwgtlfuknxwf.com/]jwgtlfuknxwf[/link], http://azveyotsewlu.com/