Bukambibig: Ano ang reaksyon mo sa resulta ng naganap na eleksyon?
|
Pebrero 26 nang maganap ang Student Government (SG) Elections 2009 at ang patuloy na labanan sa pagitan ng ASAP at PDM. Pumagitna sa laban ang boto ng bawat estudyante. Inawat ng resulta ang mahabang kompetisyon ng mga pangako at plataporma. Kinabukasan, umalingawngaw na ang pagtatapos ng round. Sa harap ng kabi-kabilang ispekulasyon, ikaw, ano ang reaksyon mo sa lumabas na resulta? · “Disagree, kasi gusto ko PDM. Kasi sila yung gustong magpababa ng tuition.” (Raymond Adriano, BSEd 2C) · “Ayos lang pero ‘di ako bumoto kasi kahit magbago ng mga leaders wala pa ring mangyayari.” (Gelli Concepcion,BSEd 3G) · “Okay lang naman. Sana yung mga nanalo mapaglingkuran ‘yung mga estudyante, ‘yung tamang paglilingkod.” (BSEd 2E) · “Hindi naman ganoon kahalaga kung sino yung nanalo. Sana lang maramdaman ng mga estudyante ‘yung pagbabagong dulot ng eleksyon.” (Violy Lyn Giron, BSEd 3G) · “Naging smooth ‘yung eleksyon saka fair naman pero napansin ko lang ang ASAP kase mas may experience yung candidates nila kesa sa PDM.” (Mark Kevin Olimba, BSEd 4A)
· “Medyo nakakapagtaka lang kasi landslide yung result. Medyo may konting doubt pero tingin ko e may credibility naman.” (Jaehadd Lou Untalan, BSEd 1A) · “Amazed ako kasi isa lang yung nalaglag sa ASAP, kumbaga parang nakakapagtaka.” (BSEd 3C) · “‘Di na nakakagulat ‘yung result. Parang expected na mai-straight ng ASAP kase malakas ang hatak nila kaysa sa PDM.” (Angel Assasin, BSEd 1A) · “Masyadong malaking pader yung binabangga ng PDM kahit PDM kami.” (Philip Tan, BSEd 1A) · “Okay lang pero sana siguro mas maganda kung hindi solid ‘yung nanalo. Kasi kapag isang partido lang e lalaki ‘yung tendency na magkaroon ng discrepancy.” (Rachelle Tongol, BSEd 3G) · “Okay lang kung ‘yun ‘yung result as long as tutuparin nila ‘yung pinangako nila. Wala naman sa partido iyon kundi nasa ipinaglalaban. Dapat may sarili silang paninindigan at hindi sila after sa anino ng partido na kinabibilangan nila.” (Lovely Isip, BSEd 3G) Possibly Related Posts:
|


hindi po ako masaya.. kaunti lamang ang bumoto. Parang walang pakielam ang mga estudyante sa nangyaring eleksyon eh sila rin naman ang makikinabang sa mga projects ng elected officers.. Hahay.. I hope all would say, “Ako mismo ay boboto sa mga eleksyong dapat kong botohan.”
‘nman!
hindi dhil estyudayAnte p lang taYo wala taung pki alam sa pag boto.
mali po,.
kci as a student, kelangan ntin mkialam kci fUture ntin ang pinaguusapn tungkol dito.
sana wag gwing excuse ung pagiging bata sa pki ki-alam sa uspin tungko sa bayan,’
dahIl hindi porket bata k wala kang magagawa
‘naniniwala aq n
ang kabataan ang pag-asa ng lumpong sistema natin